Love It

•Hunyo 25, 2009 • Mag-iwan ng Puna

Wag Kang Lalayo

•Hunyo 3, 2009 • Mag-iwan ng Puna

Wag kang lalayo, sintang sinusuyo
sa pahina ng kalendaryo, limutin ay wag ako.
Wag kang luluha, sintang pinangingiti
sa musika ng punebre, awitan ay wag ako.
Dahil sa paglisan ng katawang ito
ay ang paglaya ng kaluluwang nilaan lamang sa iyo.
Ipagdasal mo sa langit ang aking pangalan
Ihahatid ko sa Kaniya, ang iyong katatagan.
Wag kang magmadali, kahit na yapusin ka ng lungkot
ng balisa at pagdaramdam na ako ang nauna,
dahil kung mabigyang buhay muli
ang katawan ko at sa lupa ay isauli,
hihilingin kong minsan pa, na ako ang mauna
dahil hindi ko kaya, ang maiwanang mag-isa.

Wag kang lalayo,
Wag ngayon,
Hindi pa,
Aking mahal.

Men’s Fitness

•Mayo 28, 2009 • Mag-iwan ng Puna

“Yes, negativity can make you sick. But not if you don’t allow it to. Let it go. Drop it as if it scalding. Then do all you need — and want — to do today” (Roy S. Johnson, Editor in Chief, Men’s Fitness June/July 2009)

I guess, that should be self explanatory. And I would try hard to get rid of all the negativities today and tomorrow.

Takot

•Mayo 27, 2009 • Mag-iwan ng Puna

Kapag hindi mo na alam
ang nasa kanan o kaliwa,
ang tamang salita, diwa at gawa
marahang yayapusin ang iyong kaluluwa
ng pangamba at pagkabalisa.

Kapag hindi mo na alam
ang tama at mali,
ang ano at bakit, kung paano at sakali,
hahagkan ka ng lito, at maging ang iyong anino
lulukuban ng dilim at malilimot sa enganyo.

Kapag hindi mo na alam
ang hakbang at puwang,
at ang ulirat sa katotohanan, tila mabubuang,
maupo ka at makiramdam kaibigan, kaibigan
babalik din sa daloy ang totoo at kasinungalingan.

Ipahinga ang isipan, sa paglipad magpapigil
dahil basa ka lamang sasadsad, kapag bagyo
ang iyong kinalaban.

Titila rin ang ulan.
Kakalma rin ang bagyo.
Sisikat rin ang araw,
at ang bahaghari ay maiguguhit rin sa kalangitan.

Change(s)

•Mayo 22, 2009 • Mag-iwan ng Puna

Bago

Ibang pangalan, ibang kulay, ibang lahi
ibang bahay, ibang bagay, ibang dahilan
ibang kilos, ibang intensyon, ibang komosyon
ibang galaw, ibang iba ka na
kaibigan :P

***

Uhaw Na Lupa

•Mayo 21, 2009 • Mag-iwan ng Puna

Malamumo ng bigas ang pagbuhos ng ulan,
binabasa ang tigang kong bumbunan,
dinidiligan ang tuyong katawan.
Nagpayong ng di magustuhan,
at sumukob sa di kalayuan,
nagpatila ng husto
nagpatuyo ng basang
ulo, katawan at braso.

Kalahating kalendaryo
na ang punit at nalampasan,
ng ulan, tila nagtampo
at hindi na nagparamdam.

Ito ako ngayon,
nag-aabang pa rin,
ng hikbi ng langit,
kahit na hangin lamang,
iparinig nawa sa akin
ang bulong … ang bulong. 

***
Kung hindi naunawaan, pasensyahan.

Charice: Note to God (Video)

•Mayo 21, 2009 • Mag-iwan ng Puna

[Youtube=http://www.youtube.com/watch?v=0twzwGOdhZw]

Just impressive

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.