Nagbabayad ng Kausap
May depression ako noon at ang gamot ang tangi kong kakampi. Umaasang bibigyan ako ng mga tabletang aking nilulunok ng payapang maghapon, at malumanay at mahimbing na gabi. Ngunit hindi sapat ang mga ito para matahimik ako. Kaya sa payo na rin ng aking doktor, gumawa na ako ng appointment para makakuha ng kausap.
Psychologist ang kinausap ko at sadyang nakatulong ito para masabi ko ang ilang bagay na hindi ko madalas sabihin sa buong mundo. Kahit sa blog kung saan anonymous ka, nahihiya ka pa rin na sabihin ang ilang detalye ng buhay buhay. Pero ngayon, kakampi ko ang “priviledge conversation” principle. Ito ay ang prinsipyong nagsasabing kahit anong sabihin ko sa aking psychiatrist o psychologist ay hindi makalalabas ng walang pahintulot mula sa akin, unless na ito ay i subpoena na ng court.
Sa unang session, parang nagpakilanlan lang kami. Sa pangalawang session namin, naging kampante na ako sa kaniya at ibinahagi ko na ang ilang bagay bagay na nasa utak ko.
He asked me if I ever make a plan for the future. Sinabi ko na hindi. Kasi kapag nag pa plano ako at hindi natutupad, nagiging frustrated lang ako at nag uumpisa na naman ako sa pagpaplano. Parang walang katapusang plano.
Natapos ang aming usapan matapos na idetalye ko sa kaniya ang tungkol sa aking sexuality.
I am not sure, pero, I have the impression that me and my shrink are of the same “kind” page. I could be wrong.

Kung saan saan ka napapadpad ha! at ngayon talagang binuyangyang mo na yung pangalan mo, magandang signal yan
@Manilenya.
Mayroong dahilan kung bakit ginamit ko ang aking tunay na legal na pangalan para sa blog na ito. Oddly enough, hindi para magsabi ng mga bagay na totoo, kundi para itago ang ilang bagay na totoo. Weird, right?
ayos lang ‘yun parekoy.
‘wag mong ipagkait sa sarili mong maging masaya bilang tao.
hindi mo naman ma piplease ang lahat ng tao sa lahat ng gusto nilang sabihin.
isa pa hindi mo rin naman ginusto yun di ba?
kung ayaw mo namang makarinig, umayon ka sa normal na nakikita ng paligid mo.
Madaling magpakatotoo pero sakaling nagawa mo yun tiyak na may malaking mababago sa positibo man o sa negatibong resulta.
basta yun po, wag mong isiping di ka normal kaya di mo kailangn ng psychologist o ano pa man..
cheer up! \m/
Patuloy pa ring inaaliw ang sarili. Pahintulutan muna pansamantalang makakuha ng solusyon sa piling ng aking psychologist, isa iyon sa aking mga paraan sa ngayon. Maraming salamat sa pagbisita.